Home NATIONWIDE Dagdag-bawas sa produktong petrolyo, posible sa susunod na linggo

Dagdag-bawas sa produktong petrolyo, posible sa susunod na linggo

MANILA, Philippines – Asahan ang dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon kay Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Director III Rodela Romero, posible ang rollback na P0.60 hanggang P0.90 sa kada litro ng gasolina habang dagdag na P0.40 hanggang P0.60 kada litro naman sa presyo ng diesel.

Magkakaroon din ng dagdag na P0.75 hanggang P0.90 sa kada litro ng kerosene.

Ang final computation sa per liter adjustments ay nakadepende sa magiging oil trading ngayong Biyernes, Mayo 31.

Karaniwang inaanunsyo ng mga kompanya ng langis ang price adjustments tuwing Lunes at ipinatutupad tuwing Martes. RNT/JGC