Home METRO Negosyante pinatay, pinagnakawan sa Cebu

Negosyante pinatay, pinagnakawan sa Cebu

MANILA, Philippines – Pinatay na, pinagnakawan pa ang isang negosyante na natagpuang wala nang buhay sa gilid ng isang kalsada sa Barangay Kanyuko sa Dumanjug, Cebu nitong Huwebes ng umaga, Mayo 30.

Ayon sa pulisya, ang biktima ay may edad 51-anyos dala ang P500,000 cash habang ito ay patungo sa Barangay Mantalongon sa bayan ng Barili para bumili ng livestock.

Sinabi ng 24-anyos na anak ng biktima na hindi na nakarating sa destinasyon ang kanyang ama. Dahil dito ay hinanap ang biktima saka natagpuan ang wala nang buhay na katawan nito.

Nakita rin malapit sa lugar ng krimen ang kanyang motorsiklo.

Hinihinala ng pamilya ng biktima na ninakawan ito dahil nawawala rin ang cash na dala-dala niya. RNT/JGC