MANILA, Philippines- Pinabulaanan ng Commission on Elections (Comelec) ang umano’y dagdag-bawas sa mga resulta para sa 2025 senatorial race.
Ipinaliwanag ni Comelec Chairman George Garcia na may media outfits na naglabas ng resulta ng halalan nang hindi ‘nilinis’ ang raw data o impormasyong natanggap nito mula sa Comelec data server.
Ayon kay Garcia, mayroon lamang dalawang media outfits na may programang “linisin” ang raw election results ng halalan mula sa data server ng poll body bago ito ilathala.
Ginawa ni Garcia ang paglilinaw na ito matapos mag-viral ang resulta ng halalan para sa pagka-senador dahil sa umano’y “discrepancy” at “decline” ng humigit-kumulang 5 milyong boto na natanggap ng isang kandidato sa pagka-senador.
Binigyang-diin ni Garcia ang buong transparency nito at sinabing walang ‘rigging’ sa mga resulta ng halalan.
Samantala, itinuloy ng National Board of Canvassers (NBOC) ang sesyon at pagtanggap ng 30 certificates of canvass (COC) kabilang ang resulta ng local absentee voting (LAV) nitong Martes. Jocelyn Tabangcura-Domenden