Home HOME BANNER STORY Dagdag-presyo sa produktong petrolyo gugulong sa Martes

Dagdag-presyo sa produktong petrolyo gugulong sa Martes

MANILA, Philippines- Asahan na ng mga motorista ang karagdagang bayad sa mga produktong petrolyo ngayong linggo, sa pag-anunsyo ng mga kompanya nitong Lunes ng panibagong taas-presyo sa ika-apat na sunod na linggo.

Sa magkakahiwalay na abiso, sinabi ng Chevron Philippines Inc. (Caltex), Seaoil Philippines Corp. and Shell Pilipinas Corp. na daragdagan nila ang presyo kada litro ng gasolina ng P1.60, diesel ng P0.65, at kerosene ng P0.60.

Magpapatupad ang Cleanfuel ng parehong pagbabago maliban sa kerosene na wala rito.

Epektibo ang ng alas-6 ng umaga sa Martes, Hulyo 9, para sa lahatng kompanya maliban sa Cleanfuel, na paiiralin ito ng alas-4:01 ng hapon sa parehong araw.

Hindi pa nag-aanunsyo ng dagdag-presyo ang ibang kompanya para sa linggong ito. JAY Reyes