Home HOME BANNER STORY Dagdag-presyo sa produktong petrolyo iiral sa Martes

Dagdag-presyo sa produktong petrolyo iiral sa Martes

133
0

MANILA, Philippines- Muli na namang magpapatupad ng dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa epektibo bukas ng umaga.

Sa abiso ng mga kompanya ng langis sa bansa na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz at Phoenix Petroleum, magpapatupad sila ng dagdag presyo na P0.75 sa kada litro ng gasolina, P1.50 sa kada litro ng diesel, at P0.80 sa kada litro naman ng kerosene epektibo alas-6 bukas ng umaga.

May oil price hike din sa mga nasabing produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga ang kompanyang Caltex (CPI) na ipapatupad alas-12:01 bukas ng madaling araw habang ang kompanyang Cleanfuel ay magiging epektibo alas-4:01 bukas ng hapon.

Ang ipatutupad na dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado.

Matatandaan na nito lamang nakaraang Martes ay nagpatupad ang mga kompanya ng langis sa bansa ng dagdag presyo na P2.80 sa kada litro ng gasolina, P1.30 sa kada litro ng diesel, at P0.45 sa kada litro naman ng kerosene. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here