Home NATIONWIDE PH gov’t mapipilitang gumamit ng pwersa vs magsusulong ng paghiwalay ng Mindanao...

PH gov’t mapipilitang gumamit ng pwersa vs magsusulong ng paghiwalay ng Mindanao sa Pinas

MANILA, Philippines- Mapipilitan ang national government na gumamit ng kapangyarihan at pwersa laban sa mga taong magtatangkang ihiwalay ang Mindanao mula sa Pilipinas gaya ng ipinanawagan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

“The National Government will not hesitate to use its authority and forces to quell and stop any and all attempts to dismember the Republic,” ayon kay National Security Adviser Secretary Eduardo Año.

“Any attempt to secede any part of the Philippines will be met by the government with resolute force, as it remains steadfast in securing the sovereignty and integrity of the national territory,” diing pahayag niya.

Binigyang-diin ni Año ang kahalagahan ng “national unity, security and stability” sabay sabing ang panawagang dibisyon o paghahatid sa bansa “only serve to undermine our collective progress and prosperity.”

“The strength of our country lies in our unity and any attempt to sow division must be rejected by all sectors unequivocally,” giit ni Año.

Si Año ay nagsilbing Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff at kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa ilalim ng administrasyong Duterte.

“It is imperative for all Filipinos to uphold the principles enshrined in our Constitution which espouses the unity and territorial integrity of our nation. Any suggestion of secession not only runs counter to the Constitution but also threatens to undo the hard-won gains of peace and development, particularly in Mindanao,” ayon pa rin kay Año.

Noong nakaraang linggo, inihirit ni Digong Duterte ang paghiwalay ng Mindanao sa Pilipinas.

Sa pulong balitaan sa Davao, sinabi ng dating Pangulo na ito ay maisasagawa sa pamamagitan ng pagkalap ng mga pirma.

Kasabay naman ng panawagan ni Digong ay dumistansya ang mga senador sa plano na isulong ang paghihiwalay ng Mindanao sa Pilipinas. Kris Jose

Previous articleDagdag-presyo sa produktong petrolyo iiral sa Martes
Next articleMga nagpapautang na tumatanggap ng 4Ps ATM card bilang kolateral mananagot sa DSWD