MANILA, Philippines – Aprubado na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang dagdag-sahod sa rehiyon ng Caraga
Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), simula sa susunod na buwan ay nakatakdang tumanggap ang mga manggagawa o kasambahay ng mas mataas na sahod ang mga minimum wage earners sa pribadong sektor .
Ibibigay ito sa dalawang tranches kung saan mula P385 hanggang P415 simula Enero 2,2025 at mula P415 hanggang P434 kapag epektibo ang ikalawang tranche sa Mayo 1,2025.
Samantala, inaprubahan din ng RTWPB ang P1,000 na umemto para sa mga domestic workers (kasambahay) sa rehiyon , na nagdala sa kanilang minimum wage na P6,000.
Inaasahan namang direktang makikinabang sa wage order ang 65,681 imimum wage earners sa rehiyon.
Humigit-kumulang 132,217 full-time wage at salary workers na kumikita ng higit sa minimum wage ay maaari ding hindi direktang nakinabang bilang resulta ng upward adjustments sa antas ng negosyo na magmumula sa pagwawasto ng wage distortion.
Inaasahan din ng DOLE na magbebenepisyo ang 32,866 domestic workers sa wage increase kung saan 7,939 ay nasa ilalim ng live-in arrangements.
Nauna nang sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na inaasahan ng DOLE na lahat ng RTWPBs sa buong bansa ay matatapos ang kanilang pagsusuri bago matapos ang taon.
Saklaw ng rehiyon ng CARAGA ang mga lalawigan ng Agusan del Norte,Agusan del Sur, Surigao del Sur, at Dinagat Island.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)