Home HOME BANNER STORY Dagdag-singil sa kuryente, ipinaliwanag ng Meralco

Dagdag-singil sa kuryente, ipinaliwanag ng Meralco

109
0

MANILA, Philippines – Nilinaw ng Meralco nitong Lunes ang mga bahagi ng singil sa kuryente na nakasaad sa billing, kabilang ang subsidiya para sa senior citizen at lifeline rate, na ayon sa kumpanya ay aprubado ng mga regulator bago ipatupad.

Ayon sa Meralco, ang ilang bahagi ng sinisingil sa mga konsumer ay napupunta sa mga programang pampamahalaan na tumutulong sa mga low-income at vulnerable na sektor, habang ang iba naman ay inilaan sa mga proyekto ng renewable energy tulad ng solar at wind bilang bahagi ng transisyon tungo sa mas malinis na enerhiya.

“Meralco, just like other electricity distributors across the country, operates under strict regulatory oversight that ensures all charges are lawful, transparent, and properly vetted,” saad ni Meralco vice president at Corporate Communications head Joe Zaldarriaga.

“Every line item in your electricity bill has been approved before it is reflected and implemented,” dagdag niya.

Nauna nang ipinaliwanag ng Meralco ang hatian ng singil sa kuryente: 55% para sa generation charges o gastos sa pagbili ng kuryente mula sa mga supplier; 17.5% para sa distribution costs na sumasaklaw sa operasyon at maintenance; 11.7% buwis; 10.1% transmission charge; at 5.7% iba pang singilin.

Noong Abril, nagpatupad din ang Meralco ng 53 sentimos na dagdag-singil kada kilowatt-hour, na katumbas ng tinatayang ₱106 na dagdag sa buwanang bayarin ng isang karaniwang sambahayan na kumokonsumo ng 200 kWh.

Ang Meralco ang nangangasiwa sa operasyon at maintenance ng electric distribution systems sa Bulacan, Cavite, Metro Manila, at Rizal, gayundin sa ilang bahagi ng Batangas, Laguna, Pampanga, at Quezon.

Kamakailan, ilang netizen ang nag-ulat ng mas mataas na singil sa kuryente kumpara sa kanilang karaniwang buwanang bayarin. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here