Home METRO Dagdag-singil sa parking fees sa NAIA umarangkada

Dagdag-singil sa parking fees sa NAIA umarangkada

MANILA, Philippines- Inihayag ng Manila International Airport Authority (MIAA) na nagsimula nang mangolekta ng mas mataas na bayad sa paradahan ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Nabatid na ang mga bagong oras na rate para sa paradahan ay ang mga sumusunod:

  • Mga 4-wheel na sasakyan: P40 sa unang 3 oras, P15 sa bawat susunod na oras

  • Mga bus at trak: P100 para sa unang 3 oras, P20 para sa bawat susunod na oras

  • Motorsiklo: P15 sa unang 3 oras, P5 sa bawat susunod na oras

Samantala, ang overnight rates ay umabot ng halos 400% na pagtaas mula P300 para sa lahat ng sasakyan hanggang P1,200 para sa mga kotse, P480 para sa mga motorsiklo, at P2,400 para sa mga bus.

Nabatid naman kay MIAA spokesperson Atty. Chris Bendijo, ang mga bagong singil para sa unang dalawang oras na paradahan sa pasilidad ay nasa ilalim ng regulasyon ng MIAA board habang ang mga singil sa lampas tatlong oras ay itinakda ng private concessionaire.

Muli ring iginiit ni Beneijo na ang MIAA ay maaari lamang mag-regulate sa unang dalawang oras ng paradahan sa gitna na din ng mga reklamo tungkol sa pagtaas ng bayad sa social media. JAY Reyes