Home HOME BANNER STORY Dagdag-singil sa toll ng SLEX, STAR magsisimula sa Enero 1

Dagdag-singil sa toll ng SLEX, STAR magsisimula sa Enero 1

260
0

MANILA, Philippines – Magkakaroon ng dagdag-singil sa toll fees sa South Luzon Expressway (SLEX) at Southern Tagalog Arterial Road (STAR) simula Enero 1, ayon sa Toll Regulatory Board (TRB).

Ayon sa TRB, kailangan ang pagtaas ng toll upang matiyak ang tuloy-tuloy na operasyon, maintenance, at mga improvement ng SLEX at STAR na kasalukuyang sumasailalim sa rehabilitation at widening works.

Para sa SLEX mula Alabang hanggang Calamba, sisingilin na ang Class 1 o light vehicles ng P126, Class 2 o bus at maliliit na truck ng P253, at Class 3 o malalaking truck ng P379. Katumbas ito ng dagdag na P10, P21, at P31.

Mula Calamba, Laguna hanggang Sto. Tomas, Batangas, ang bagong toll fee ay P34 para sa Class 1, P58 para sa Class 2, at P102 para sa Class 3, o dagdag na P3, P5, at P8.

Sa STAR Tollway sa Batangas, ang toll mula Sto. Tomas hanggang Lipa City ay P60 para sa Class 1, P119 para sa Class 2, at P179 para sa Class 3. Ito ay may dagdag na P5, P9, at P14.

Samantala, mula Lipa hanggang Batangas, ang bagong singil ay P53 mula P49 para sa Class 1, P106 mula P98 para sa Class 2, at P159 mula P147 para sa Class 3. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here