MANILA, Philippines- Magpapatupad ang North Luzon Expressway (NLEX) Corporation ng dagdag sa toll rates simula sa March 2.
Ayon sa ulat, madaragdagan ang NLEX open system mula Balintawak papuntang Marilao, Bulacan exit ng P5 para sa Class 1 vehicles, P13 para sa Class 2, at P15 para sa Class 3.
Ang bagong toll sa open system ay magiging P79 para sa Class 1 vehicles, P199 para sa Class 2, at P238 para sa Class 3.
Kasama rin dito ang Caloocan at Mindanao Avenue exits.
Samantala, ang mga motoristang gagamit ng NLEX mula Balintawak papuntang Sta. Ines sa Pampanga ay magbabayad ng karagdagang P57 para sa Class 1 vehicles, P142 para sa Class 2, at P171 para sa Class 3.
Ang bagong end-to-end toll ay magiging P416 para sa Class 1 vehicles, P1,039 para sa Class 2, at P1,247 para sa Class 3.
Base sa Toll Regulatory Board, base ang toll hike sa 2022 petition na hindi pinairal noong 2023. RNT/SA