Home NATIONWIDE Dagsa ng pasahero sa mga terminal sa Holy Week pinaghahandaan na

Dagsa ng pasahero sa mga terminal sa Holy Week pinaghahandaan na

MANILA, Philippines- Inaasahan na ang malaking pagtaas ng dami ng mga pasahero sa Batangs Port sa Semana Santa ngayong taon kumpara noong 2022, sinabi ng Philippine Ports Authority (PPA).

Ayon kay PPA General Manager Jay Santiago sa kanyang pag-iinspeksyon, aabot sa mahigit 2 milyon ang inaasahang bibiyahe sa mga pantalan.

“We anticipate na 10 percent na increase from last year’s 1.8 million,” sabi ni Santiago.

Inihayag ni Santiago na mula sa dati nitong seating capacity na 2,500, ang Batangas Port ay maari na ngayong tumanggap ng 8,000 manlalakbay sa fully air-conditioned facility nito.

Tatlong ticketing zone ang itinalaga para maserbisyuhan ang port travelers.

Available din ang dalawang e-transporters vehicles para sa persons with disabilities (PWDs), buntis at senior citizens.

Samantala, sinabi naman ng Toll Regulatory Board (TRB) na inaasahan ang pagtaas ng volume ng commuters ngayong weekend.

Sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) naman ay inaasahang aabot sa 1.7 milyon ang bilang ng mga pasaherong bumibiyahe sa mga probinsya sa pamamagitan ng public transport hub sa darating na Semana Santa.

Inaasahan ding tataas ng 10 hanggang 15 percent ang mga biyahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Holy Week, kung saan inaasahan ang pinamakamaraming pasahero sa Holy Wednesday, Marso 27, at Eastern Sunday, Marso 31.

Pagtitiyak ng Manila International Airport Authority, sapat ang mga eroplano para matugunan ang paglaki ng demand.

Dahil dito, ang operators ng transport terminals ay naghahanda para sa milyon-milyong Pilipinong manlalakbay na inaasahang daragsa sa mga istasyon ng bus, pier at paliparan para sa Semana Santa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleNapipisil na bagong PNP chief tatalakayin ngayong linggo – Abalos
Next articleP23M premyo sa lotto nasolo!