Home METRO Dahil walang sahod bilang church volunteer, bebot huli sa P7.1M droga

Dahil walang sahod bilang church volunteer, bebot huli sa P7.1M droga

CEBU CITY – Nakuha sa isang dating church volunteer ang P7.1 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa isang sting operation sa port area nitong kabiserang lungsod nitong Biyernes, Hulyo 5.

Arestado ang suspek na si “Fara,” 48, na kinilala bilang high-value individual at residente ng Stockton Village, Barangay Punta Princesa, sa isinagawang buy-bust sa Barangay San Roque dito, ayon kay Maj. John Lynbert Yango, hepe ng Waterfront Police Station.

Sa rekord ng pulisya, naaresto ang suspek dahil sa kasong droga noong 2016 at nakalaya noong 2021.

Ayon sa suspek, napilitan siyang magbenta ng droga dahil wala siyang natatanggap na suweldo bilang volunteer. RNT