Home NATIONWIDE VP Sara sa mga aspiranteng mamamahayag: ‘Never assume, don’t lie’

VP Sara sa mga aspiranteng mamamahayag: ‘Never assume, don’t lie’

MANILA, Philippines – PINAYUHAN ni Vice President ang mga estudyante na nais na maging journalists o mamamahayag sa hinaharap na huwag mag-ulat ng kahit na anuman na hindi totoo o fake news.

Sa opening ceremony ng National Schools Press Conference (NSPC) sa Carcar City, Cebu, direktang nanawagan si VP Sara sa mga nagpartisipa na kanyang inilarawan bilang “future award-winning journalists.”

“Never print or post or circulate something that you know is not the truth. Huwag ninyong gawin na sirain ang buhay ng ibang tao, sirain ang imahe ng iba’t ibang organisasyon o mga tao sa alam niyong hindi totoo,” ayon kay VP Sara.

Pinayuhan din niya ang mga aspiring journalists na huwag mag-assume ng kahit na anuman kapag gumagawa na sila ng kanilang mga report.

“Kapag opinyon ninyo ang sinusulat ninyo, never assume anything. Huwag niyong ipaghalo ang assumption at opinyon. Magkaibang bagay ‘yun,” aniya pa rin.

Umaasa rin si VP Sara na ang mga nagpartisipang estudyante na magiging ‘journalists’ sa hinaharap ay mananalo hindi lamang local kundi maging international awards din.

Ang NSPC, naglalayong i-promote ang ‘fair and ethical use’ ng media bilang ‘tenets of responsible journalism’ ay nagsimula nang isagawa, araw ng Lunes, Hulyo 8 hanggang Hulyo 12, 2024.

Hangad ng komperensiya na ipakita sa mga nagsilahok ang ‘understanding of journalism’ sa pamamagitan ng ‘skillful execution’ sa iba’t ibang plataporma gaya ng print, broadcast, at online; at kilalanin ang papel ng isang mamamahayag sa pagtataguyod para sa ‘social consciousness at environmental awareness.’ Kris Jose