Manila, Philippines- Hindi masyadong aktibo sa limelight ang dating Sampaguita Pictures star na si Daisy Romualdez.
Visible lang siya pag may mahahalagang showbiz event.
Isa na nga rito ay ang pagiging punong-abala sa nakaraang pagdiriwang ni Gloria Romero ng kanyang 90th birthday.
The 60s generation know full well na magkasama sila noon sa bakurang pagmamay-ari ng mga Vera-Perez.
Theirs stands a friendship that spans many decades.
Pero ang pagiging not so much active ni Daisy ay nangangahulugang hindi siya updated sa mga kaganapan sa showbiz.
Maging ang mga artista sa makabagong henerasyon ay kilala niya, kundi man may mangilan-ngilang hinahangaan.
One of them is Asia’s Multimedia Star Alden Richards.
Obyus na aware si Daisy sa pamba-bash ng ilan sa ipinamalas nitong “angry hosting” sa nakaraang coronation night ng Miss Universe Philippines.
Marami na ang dumipensa on Alden’s behalf.
Even then, the bashing won’t stop on social media.
Isa nga si Partylist Rep. Rowena Guanzon who took a swipe at a male host at the event.
Hindi man pinangalanan ng dati ring Comelec chairman, obyus namang si Alden ang tinutukoy niya.
Dahil hindi nga nagustuhan ni Guanzon ang hosting nito’y may panawagan siya sa GMA na huwag nang kuning bilang host uli si Alden sa susunod na MUP.
If ever, that will be Alden’s third straight year ng pagho-host.
In fairness though to Guanzon, unintentional ang kanyang “blunder” o pagkakamali, not knowing na si Alden nga ‘yon.
Sinabi pa na ni Guanzon na fan siya ng napapabalitang nililigawan ni Alden, si Kathryn Bernardo.
Dito na nagpanting ang tenga ni Daisy who took to social media ang pagresbak sa basher ni Alden.
Tulad ni Guanzon, hindi binanggit ni Daisy kung sino ang nireresbakan niya.
Post ng former veteran actress: “Hoy, ang galing mong mamintas kay Alden! At least, si Alden sikat at kilala sa buong mundo! Eh, ikaw..sino’ng nakakakilalala sa ‘yo?