Home NATIONWIDE Dalaga, arestado sa pagnanakaw ng beauty products

Dalaga, arestado sa pagnanakaw ng beauty products

134
0

ANGADANAN, Isabela – Sa pagnanais na pumuti pa lalo ang kutis at gumanda ay bumagsak sa kulungan ang isang dalaga matapos mahuli sa pagnanakaw ng skin care products sa isang kilalang mall sa Cauayan City, Isabela.

Sa ipinarating na kay PLtCol. Avelino Canceran Jr., hepe ng Cauayan sa Cauayan City Police Station, dakong 3:50 ng hapon ay ipinasakamay sa kanilang himpilan ang isang alyas “Nancy,” 23-anyos, estudyante, at residente ng San Fermin, Cauayan City dito sa nasa nasabing probinsya.

Una rito, pumasok umano ang suspek sa mall at nagpanggap na isang customer.

Habang naglilibot at tumitingin-tingin sa mga produkto, napansin umano ng isang staff na isinilid ng suspek ang ilang skin care items sa dala nitong shoulder bag.

Matapos ang ilang sandali ay tinangka na nitong lumabas ng store nang hindi dumadaan sa cashier para magbayad.

Dahil dito ay agad siyang hinabol ng naturang staff hanggang sa umabot sila sa harap ng isang Ramen House na tinatayang 30 meters ang layo mula sa naturang store.

Agad na hinanapan umano ito ng resibo subalit bigo itong magpakita ng anumang patunay ng pagbili ng anumang produkto dahilan upang siya’y dalhin sa Public Relations Office ng Mall para sa kaukulang dokumentasyon bago tuluyang ipinasakamay sa kustodiya ng Pulisya.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong theft sa ilalim ng revised penal code. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here