Home METRO Dalagita, 6 buwang anak kinatay ng padre de pamilya!

Dalagita, 6 buwang anak kinatay ng padre de pamilya!

DAVAO OCCIDENTAL- Halos naagnas na ang bangkay ng mag-ina matapos matagpuan ang mga ito sa loob ng kanilang bahay na may mga taga sa ulo at leeg, kahapon sa bayan ng Malita.

Sa ipinalabas na report ng Davao Occidental Police Provincial Office, bandang alas-9 ng umaga noong Biyernes Mayo 2, 2025, natagpuan ang bangkay ng 17-anyos na dalagita at anak nitong anim na buwang sanggol habang tugis ang kanilang padre de pamilya na tumakas matapos ang krimen at pawang mga residente ng Barangay Talogoy, Malita, Davao Occidental.

Ayon sa pulisya, bago ang krimen nagkaroon ng problema ang mag-asawa na nauwi sa barangayan noong Abril 15 2025.

Paniwala ng pulisya, selos ang motibo sa krimen.

Nagpapatuloy naman ang ginagawang follow-up investigation ng pulisya sa nasabing krimen. Mary Anne Sapico