Home METRO Dalagita ginahasa ng lolo sa halagang P100

Dalagita ginahasa ng lolo sa halagang P100

CEBU CITY– Himas-rehas ngayon ang 73-anyos na lolo matapos gahasain ang sariling apo na dalagita kapalit ng P100, iniulat kahapon sa bayan ng Abellana.

Nakakulong ngayon sa Abellana Police Station 2 Cebu City Police Office ang suspek at nahaharap sa kasong statutory rape.

Batay sa report ng pulisya, bandang alas-9 ng umaga noong Disyembre 30, 2024, pinasok ng suspek ang 11-anyos na apo sa loob ng silid nito saka ginahasa.

Kwento ng biktima, natutulog siya nang biglang himasin ng kanyang lolo ang maselang bahagi ng kanyang katawan saka binigyan ng P100 at sinabihang huwag itong maingay.

Dito, naisakatuparan ng suspek ang makamundo nitong pagnanasa saka lumabas ng silid ng kanyang apo.

Hindi naman natakot ang biktima na magsumbong sa kanyang ina na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Isinalalim naman sa medical test ang biktima at positibong ginahasa ito ng kanyang lolo. Mary Anne Sapico