MANILA, Philippines- Isinaalang-alang ng Commission on Filipinos Overseas (CFO) na palawakin ang presenysa ng Philippine schools sa bansa na may malaking komunidad ng mga Pilipino.
Sinabi ni CFO Secretary Dante Ang II na ang nasabing inisyatiba ay layon na masiguro na ang mga batang Pilipinong nag-aaral sa ibang bansa ay may edukasyong nakahanay sa kurikulum ng bansa.
Ayon kay Ang, nais nilang masiguro na ang mga batang Pilipino na nag-aaral abroad ay mabilis na maka-adapt sa kanilang pag-uwi.
Sa kasalukuyan, may humigit-kumulang 35 paaralan sa Pilipinas ang nag-ooperate sa mga bansa tulad ng Bahrain, East Timor, Greece, Italy, Kuwait, Libya, Oman, Qatar, Saudi Arabia, at UAE.
Ayon sa datos ng CFO, humigit-kumulang 25,000 estudyante ang naka-enroll sa mga paaralang ito noong Disyembre 31, 2022, mula sa pre-elementary hanggang high school na antas.
Nilinaw ni Ang na ang mga Philippine schools sa ibang bansa ay dapat sumunod sa parehong mga kinakailangang host country at ng gobyerno ng Pilipinas, kabilang ang pagkuha ng permit to operate mula sa host country bago humingi ng akreditasyon mula sa Department of Education (DepEd). Jocelyn Tabangcura-Domenden