CAVITE- SHOOT sa kulungan ang isang construction worker matapos isilbi ang warrant of arrest matapos umanong gawin sex slave ang 13-anyos na anak na dalagita, iniulat kahapon sa bayan ng Naic.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Zachary Capellan, Commander ng Anonas Police Station, nadakip ang 43-anyos na construction worker, na nahaharap sa mga kasong lascivious conduct at paglabag sa Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Sa reklamo ng ina, nagsimula ang pangmomolestiya ng suspek sa kanyang anak noong Setyembre 2023 sa Pangasinan habang siya ay nasa trabaho.
Inihanda na ang mga kaukulang dokumento para sa tamang disposisyon./Mary Anne Sapico