ZAMBOANGA CITY-UMABOT sa P6.8M shabu halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa limang suspek kabilang ang tatlong estudyante sa magkahiwalay na operasyon ng mga awtoridad, iniulat kahapon sa Zamboanga Peninsula.
Ayon kay Maharani Gadaoni-Tosoc, regional director ng Philippine Drug Enforcement Agency Zamboanga Peninsula (PDEA-9), nahuli ang dalawang suspek sa buy-bust operation sa Zamboanga City, habang ang tatlong suspek na college student ay nadakip matapos salakayin ang isang drug den sa probinsya ng Zamboanga Sibugay.
Batay sa report ng PDEA-9, bandang 1 PM noong Martes ng madakip ang mga suspek sa Barangay Divisoria, Zamboanga City.
Kinilala ang dalawang suspek na sina Junny Duke Bariño, 26, at Shadi Abdua, 24, kapwa residente ng Barangay Calarian at kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Nakumpiska kina Bariño at Abdua 1-kilo na hinihinalang shabu at aabot sa halagang P6.8 milyon, buy bust money, 2 motorsiklo at cellphone.
Makalipas ang isang oras sunod naman nadakip ang 3 estudyante na may edad 22-23 sa buy bust operation sa Barangay Veterans, Ipil, Zamboanga Sibugay.
Nakuha sa mga suspek ang 10 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P68,000, cellphone at mga drug paraphernalia.
Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 ang tatlong college student./Mary Anne Sapico