Home METRO Dalagita patay sa LQMETRONATIONWIDETOP STORIES Dalagita patay sa LQApril 13, 2025 14:31 FacebookTwitterPinterestWhatsAppTikTok MANILA, Philippines – Nasawi ang isang 17-anyos na dalagita kasunod ng isang lover’s quarrel sa Barangay Doyong, Calasiao, Pangasinan.Sa ulat, kinilala ang biktima na si Claire, 17, Grade 11 student at residente ng Barangay Doyong.Lumabas sa imbestigasyon na, si Claire at ang kanyang boyfriend na si Virgil dela Cruz Layno, 19, ay nagkakaroon ng argumento sa gitna ng kalsada.Sinubukan ni Layno na umalis sakay ng motorsiklo ngunit pinigilan ito ng biktima sa pagyakap sa likod nito.Nagpatuloy pa rin ang boyfriend sa paglayo at nagdesisyon ang biktima na bumalik na lamang sa gilid ng kalsada.Sa kabila nito, nasalpok ang biktima ng isang itim na Yamaha Sniper 155 motorcycle.Kinilala ang drayber ng motor na si Christian, na nabangga rin ng isa pang motor na minamaneho naman ni Karl Nolan.Nagtamo ng pinsala sa ulo si Claire na agad dinala sa ospital ngunit idineklarang patay.Kapwa nagtamo naman ng pinsala sa katawan ang dalawang drayber ng motor na dinala rin sa ospital.Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente. RNT/JGC