Home NATIONWIDE Negosyante sa Batangas ninakawan ng P1M

Negosyante sa Batangas ninakawan ng P1M

MANILA, Philippines – Ninakawan ng halos P1 milyong cash at alahas ang isang negosyante sa isang subdivision sa Barangay San Rafael, Sto. Tomas, Batangas.

Sa imbestigasyon, dumating ang lalaki sakay ng isang Gelly Sports Utility Vehicle na may plakang NEW-8149 at pumasok sa bahay ng biktima sa pag-akyat sa pader at pagsira sa steel grills sa ikalawng palapag.

Tinangay ng suspek ang nasa P750,000 na samu’t saring alahas, at P300,000 ng cash na nakatago sa portable vault.

Nakilala ang suspek sa pamamagitan ng PhilHealth ID na ipinresenta sa pagpasok sa subdivision.

Nagsasagawa na ng manhunt at follow-up investigation ang mga awtoridad. RNT/JGC