Home METRO Dalawang wanted sa kasong rape, arestado

Dalawang wanted sa kasong rape, arestado

MANILA, Philippines – Arestado ang dalawang lalaki na kapwa wanted sa kaso ng panggagahasa sa magkahiwalay na manhunt operation ng pulisya sa Caloocan City.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Caloocan police chief P/Col. Paul Jade Doles na ikinasa ng pinagsanib na mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) at Station Intelligence Section (SIS) ang manhunt operation laban sa 21-anyos na akusado na nasa Top 8 Most Wanted Person ng (NPD).

Dakong alas-2:00 ng hapon nang magawang makorner ng mga tauhan WSS at SIS ang akusado sa Pama Sawata III, Barangay 28, Dagat-dagatan.

Ang akusado ay pinosasan ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Barbara Aleli Hernandez Briones ng FC Branch 1, Caloocan City noong July 8, 2024, para sq kasong Statutory Rape par. (1) (d) art. 266-A of the RPC as amended by R.A. 8353.

Bandang alas-4:00 ng hapon nang masukol naman ng pinagsama ring mga tauhan ng WSS at SIS sa joint manhunt operation sa kahabaan ng Samson Road, Brgy. 5, ang 25-anyos na akusado na residente ng Pangasinan at nasa Top 7 MWP ng NPD.

Binitbit ng pulisya ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Raymundo G Vallega ng Regional Trial Court Branch 130, Caloocan City noong April 2, 2024, para sa kasong Rape (RPC Art. 266-A) at Lascivious Conduct under sec. 5 (b) of R.A 7610.

Pansamantalang nakapiit ang mga akusado sa custodial facility unit ng Caloocan police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman. Rene Manahan