Home NATIONWIDE Dalia Pastor tutugisin ng DOJ sa pagpaslang sa asawang sikat na race...

Dalia Pastor tutugisin ng DOJ sa pagpaslang sa asawang sikat na race car driver

227
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na nakikipag-ugnayan na ito sa foreign counterparts upang matunton si Dalia Pastor, ang suspek sa pagpatay sa mismong asawa nito na si Enzo Pastor, isang kilalang race car driver.

Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hindi nila palalampasin ang ulat na nagtatago na sa Indonesia o Malaysia si Pastor.

“We will also be working with our international counterparts to track down and extradite Dalia as soon as possible. Ten years have passed and this is the time to prove that the present administration will do whatever it takes to get the job done at all costs,” ani Remulla.

Una nang nagdesisyon ang Supreme Court (SC) na buhayin muli ang arrest warrant at hold departure order (HDO) laban kay Dalia, bilang co-conspirator sa pagpatay sa kanyang asawa.

Magugunita na 2014, nakahinto sa kanto ng Visayas Avenue at Congressional Avenue ang truck ni Enzo nang lapitan ito ng isang lalaki at pinagbabaril.

Kabilang sa kinasuhan ay sina Police Officer 2 Edgar Angel na nagsilbing gunman at si Domingo De Guzman III at Dalia bilang mga mastermind. TERESA TAVARES

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here