MANILA, Philippines – Opisyal nang nagtapos ang panahon ng Southwest Monsoon o Habagat.
“Recent analyses showed a significant weakening of the Southwest Monsoon over the past few days,” pahayag ng PAGASA.
“Moreover, the strengthening of the high-pressure system over East Asia has been observed ang gradually changed the weather patterns in the country.”
Matatandaan na idineklara ng ahensya ang pagsisimula ng tag-ulan noong Mayo.
Dahil dito, sinabi na ang Pilipinas ay paunti-unti nang pupunta sa Amihan season, “which may be apparent and declared in the coming weeks.”
Sa oras na magsimula na ang Amihan season, ang northeasterly wind flow na ang mararamdaman sa malaking bahagi ng bansa at magdadala ng malamig na simoy ng hangin sa mga susunod na buwan. RNT/JGC