Manila, Philippines- Aminado si Carlo Aquino at ang lead creatives ng pelikulang Crosspoint na sa sobrang dedicated ng actor sa kanyang role sa movie ay nagkaroon ng temporary dislocation and swelling ang finger nito.
Ang character ni Manuel Hidalgo ang role ni Carlo sa Crosspoint. Si Manuel ay dating artista na napalitang mag-TNT sa Japan para matustusan ang needs nilang mag-asawa.
Ang pelikula ay collaboration ng Philippine film outfit na High Road and Japanese company na 034 productions.
Ang dislocation and swelling sa finger ni Carlo ay nangyari sa araw ng shoot kung kailan may fight scene sila ni Sho Ikushima, who plays a serial killer na hinahabol naman si Emmy.
Hindi nagpa-cut ng eksena sa director si Carlo kahit may injury na siya sa finger at sey ng Japan-based na direktor na si Donie Ordiales ay sila pa ang kumumbinsi sa kanyang magpasugod na sa ospital para mabigyan ng karampatang lunas ang kanyang daliri.
Anyway, madalas malinya si Carlo sa mga romcom movie kaya tuwang-tuwa siya nang i-offer itong project na ito sa kanya.
“Hindi namin in-expect na Carlo will accept the role,” sey ni Donie.
“Nu’ng sinabi sa akin na Japan shoot, c’mon, who would say no to that,” pahayag naman ni Carlo.
Maraming chase scenes ang kinunan sa Japan kaya isa sa challenges ng shoot ay ang weather. “Ahead of the standard dito sa atin kaya natagalan ginawa,” chika ni Rav.
Isa pang memorable experience nina Carlo at ng team ay nang ipinapulis sila nang mag-shoot sila sa mataong lugar kahit na may proper permit naman na na-secure.
Na-resolve din naman agad ang problema dahil sikat na MMA fighter ang kanilang location manager at nagkataong fans nito ang mga pulis.
October 16 na ang Philippine premiere ng Crosspoint at early quarter ng 2025 nila ito balak ipalabas sa Japan. Trixie Dauz