Home NATIONWIDE ‘Danger level’ heat index nagbabadya sa 15 lugar ngayong Lunes

‘Danger level’ heat index nagbabadya sa 15 lugar ngayong Lunes

MANILA, Philippines- Inaasahang makararanas ang 15 lugar sa bansa ng “danger level” heat index ngayong Lunes, Mayo 5.

Ayon sa state weather bureau, ang synoptic stations sa mga sumusunod na lugar ay maaaring makapagtala ng heat index na 42°C hanggang 45°C ngayong Lunes:

45°C

  • Infanta, Quezon

44°C

  • Dagupan City, Pangasinan

  • Aparri, Cagayan

  • Tuguegarao City, Cagayan

  • ISU Echague, Isabela

  • Sangley Point, Cavite City

43°C

  • NAIA Pasay City

  • Laoag City, Ilocos Norte

  • Tayabas City, Quezon

42°C

  • MMSU, Batac, Ilocos Norte

  • Bacnotan, La Union

  • Iba, Zambales

  • Cubi Pt., Subic Bay, Olongapo City

  • TAU Camiling, Tarlac

  • Masbate City

Patuloy ang paghimok sa publiko na limitahan ang outdoor activities, manatiling hydrated, at magsuot ng maaliwalas na kasuotan upang maiwasan ang heat-related illnesses. RNT/SA