Home NATIONWIDE LPA trough magpapaulan sa ilang bahagi ng Luzon, easterlies iiral sa ibang lugar

LPA trough magpapaulan sa ilang bahagi ng Luzon, easterlies iiral sa ibang lugar

0
LPA trough magpapaulan sa ilang bahagi ng Luzon, easterlies iiral sa ibang lugar

MANILA, Philippines- Magdudulot ng pag-ulan ang trough o extension ng low pressure area na nasa kanluran ng Palawan sa ilang bahagi ng Luzon, habang iiral ang easterlies sa natitirang bahagi ng bansa sa Lunes, ayon sa PAGASA.

Magkakaroon ang MIMAROPA, Bicol Region, Batangas, at Quezon ng maulap na kalangitan na may kalat na pag-ulan dahil sa trough ng LPA. Inaasahan ang “moderate to at times heavy rains” sa mga apektadong lugar.

Hanggang alas-3 ng madaling araw, ang LPA ay tinatayang nasa 460 km kanluran ng Coron, Palawan.

Sinabi ng PAGASA na ang LPA “has an UNLIKELY chance of development into a Tropical Depression within the next 24 hours.”

Nakaamba naman sa Metro Manila at sa natitirang bahagi ng bansa ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa easterlies.

Ang coastal waters ay magiging slight to moderate sa buong bansa.

Sumikat ang araw ng alas-5:32 ng umaga at lulubog ng alas-6:14 ng hapon.RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here