MANILA, Philippines- Iniulat ng PAGASA na dalawang lugar sa bansa ang nakaambang makaranas ng heat index sa ilalim ng “danger level” ngayong Huwebes, Abril 3.
Batay sa April 2 forecast ng state weather bureau, sinabi nitong makararanas ang Iba, Zambales, at Virac (Synop), Catanduanes, ng heat index na 43°C.
Sa Metro Manila, inaasahang tatama ang heat index na 37°C sa NAIA Pasay City at 36°C sa Science Garden, Quezon City.
Nagsimula ang dry season sa bansa noong March 26. RNT/SA