Manila, Philippines – Pinagdududahan ang authenticity ng larawan ng latest sighting kina Kathryn Bernardo at Lucena City Mayor Mark Alcala.
Kuha ‘yon sa isang flea market, na ang sabi’y sa San Juan one recent Sunday.
Duda kasi ang ilang netizens kung totoo nga ba ang litrato o produkto lang ng Al o Artificial Intelligence.
Dapat din daw ay nakunan ‘yon ng video–bakit picture lang?
Eto pa ang ilang napansin ng mga netizens–kesyo hindi naman daw kamukha ni Kathryn ang nasa picture.
Hindi rin daw nagsusuot ng loose o maluwag na damit si Mark.
Hindi tuloy maiwasang isipin ng mga netizens na sinadya daw ang pagsulpot ng mga larawan sa social media–itinaon kasing lumabas ‘yon sa birthday ni Daniel Padilla.
In short, pang-asar lang daw ‘yon sa dating nobyo ni Kathryn!
Napagtripan din ng mga ito si Mark na hindi na daw yata nagtatrabaho as mayor.
Hay naku, bashers won’t simply run out of things to say! Ronnie Carrasco III