Home ENTERTAINMENT Rochelle tinalakan si Jopay?

Rochelle tinalakan si Jopay?

91
0

Manila, Philippines – Maugong ang tsika na tinalakan daw umano ni Rochelle Pangilinan ang co-Sexbomb dancer niyang si Jopay Paguia.

Ang balita ay napuno na raw diumano si Rochelle sa attitude ni Jopay kaya niya kinumpronta ito.

Ayon naman kay Ogie Diaz, sabi ng kanyang source ay matagal nang hindi nag-iimikan ang dalawa.

During one of their shows, nag-attitude raw umano si Jopay nang igiit nito na unahin muna siyang ayusan ng kanilang stylist dahil ang katuwiran nito ay may lakad pa siya.

Hindi rin daw bet ni Jopay na bawat miyembro ng grupo ay bigyan ng kanya-kanyang highlight pagdating sa kanilang production numbers.

Isa pa raw sa ikinaimbiyerna ni Rochelle ay ang ‘no show’ ni Jopay sa kanilang ibang shows kung saan ikinatuwiran nito na nagkaroon siya ng injury samantalang may kumalat na tsikang rumaket ito sa iba.

Kung totoo ngang may gap ang dalawa, wish naman naming magkabati na sila.

Bukas din ang pahinang ito sa panig nila tungkol sa kontrobersya. Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here