Manila, Philippines- Sa social media page ng Star Magic makikita ang mga litrato ni Daniel Padilla kasama ang kanyang mga supporters na nagtanim ng mga puno sa Calatagan, Batangas.
Mas naging meaningful ang pagdiriwang ng 30th birthday ng isa sa mga bida ng Incognito na si Daniel.
Hindi party, hindi bongang kainan. Hindi bakasyon ang pinili ni Daniel. Mas pinili niyang makiisa sa “Incognito” star sa isinagawa na tree planting.
In fairness, walang kaarte-arte at dedma lang si Daniel sa matinding init ng panahon habang nagtatanim at kitang-kita naman na masaya siya sa kanyang ginagawang adbokasiya.
Bukod sa pagtulong ni DJ sa kalikasan ay di rin nakalimutan nitong magpasalamat sa lahat ng tumulong sa kanya sa isinagawang tree planting. At sa Isang video na ibinahagi ay ito ang kanyang mga sinabi.
“Maraming maraming salamat po sa lahat ng nagbigay ng oras ngayong araw na ‘to… Natupad nila ang ating misyon na mag-give back sa ating Inang kalikasan. Sana hindi lang ito ang first time gawin tuloy-tuloy na nating gawin ito.”
Marami naman ang natuwa at pinuri pa ng mga netizens ang Incognito star sa makabuluhang pagdiriwang ng kanyang 30th birthday.
Ano kaya ang masasabi ni Kathryn Bernardo sa ginawang birthday celebration ng ex-boyfriend niya? Paki-hulaan Mdam Damin at Madam Marites. Mercy Lejarde