Home NATIONWIDE 35K sako ng NFA rice para sa P20/kg pilot test dumating na...

35K sako ng NFA rice para sa P20/kg pilot test dumating na sa Cebu

MANILA, Philippines- Nasa 35,000 sako ng well-milled National Food Authority (NFA) rice para sa pilot test ng P20 kada kilo na rice initiative ng gobyerno ang dumating na sa lalawigan ng Cebu.

Sinabi ng Department of Agriculture (DA) na araw ng Lunes nang magsimula na ang pagbabawas ng kargamento ng bigas mula sa Mindoro warehouse.

Ang 35,000 sako ng NFA well-milled rice form ay bahagi ng 600,000 bag ng bigas na inorder ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia para P20 per kilo rice initiative ng lalawigan.

Ang Cebu, kasama ang Bohol, Siquijor, at Southern Leyte, ay nakiisa sa subsidized rice initiative at mayroong initial combined order na 673,000 50-kilo na bag ng bigas para sa pilot test na tatakbo hanggang Disyembre para makakolekta ng kakailanganing data sa posibleng pagpapalawak at pagpapalawig ng programa.

“Broken down, Siquijor has placed an order for 40,000 bags of rice, Southern Leyte has ordered 30,000 bags, while Bohol has ordered 3,000 bags,” ayon sa ulat.

Ang P20 per kilo subsidized rice program ay magkatuwang na ipinatutupad ng DA, sa pamamagitan ng Food Terminal Inc. (FTI) nito, sa pakikipagkatuwang sa local government units (LGUs).

Sa ilalim ng inisyatiba, ang FTI at bawat nagpapartisipang LGU ay pantay na babalikatin ang P13-per-kilo subsidy upang ang retail price ng bigas ay bumaba sa P20.

Ang bigas ay huhugutin mula sa stocks na binili ng NFA mula lokal na magsasaka.

Sinabi ng DA na naglaan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng P4.5 billion mula sa kanyang contingency fund para suportahan ang pilot implementation ng programa.

Inatasan naman ni Pangulong Marcos ang DA na ipagpatuloy ang inisyatiba hanggang sa pagtatapos ng kanyang termino sa 2028. Kris Jose