Nagsagawa ang mga miyembro ng EcoWaste Coalition ng clean-up drive sa paligid ng Flora Flagon High School sa Quezon City nitong Martes, isang araw pagkatapos ng National and Local elections. Nanawagan ang grupo sa mga kandidato na maging responsable sa paglinis sa campaign at tumalima sa clean-up directive ng Comelec. Danny Querubin
MANILA, Philippines- Nanawagan ang EcoWaste Coalition nitong Martes sa mga kandidato na tumulong sa pagbaklas ng campaign materials na ginamit nila para sa Eleksyon 2025.
“This isn’t just about picking up trash. It is about setting the tone for responsible leadership… Candidates should not disappear after election day,” pahayag ni Cris Lague mula sa EcoWaste Coalition.
“The mess they leave behind speaks volumes, and the least they can do is clean it up. This is a recurring problem every election season, revealing how candidates often neglect the environmental impact of their campaigns,” dagdag ni Lague.
Pinangunahan ng zero-waste advocates ang clean-up operations sa Quezon City nitong Martes ng umaga kasama ang community volunteers at mga manggagawa mula sa Quezon City Department of Sanitation and Cleanup Works.
“We’re thankful for the public’s initiative, but this responsibility belongs to those who benefited from the campaign. We also urge local government units (LGUs) to step up enforcement and make sure candidates, both winners and losers, are held accountable,” wika ni Lague.
Nanawagan din ang grupo sa Commission on Elections (Comelec) at sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na makipag-ugnayan sa Local Government Units (LGUs) para sa wastong implementasyon ng post-election clean-up rules at long-term measures upang mabawasan ang campaign waste sa mga susunod na eleksyon.
“This cycle of waste and neglect has to end… If candidates truly want to lead, they must show that they can also clean up after themselves and protect the environment while doing so,” anila.
Base sa Task Force Baklas 2025 ng Comelec, kailangang mntanggal na ng mga kandidato ang campaign materials sa public at private areas ng alas-12 ng hatinggabi ng May 11. RNT/SA