Home ENTERTAINMENT Daniel sa Star Magic games, umatras o tinanggal ?

Daniel sa Star Magic games, umatras o tinanggal ?

Manila, Philippines- Fans cannot seem to wait sa pagdaraos ng Star Magic Games sa darating na June.

This profuse excitement lalung-lalo na sa mga kababaihan comes from seeing their idols in action as they compete in games.

Pero ang ilan naman sa kanila’y nagtataka kung bakit tila hindi lahat ng ilang inaabangan nilang Star Magic artists ay wala roon.

This early, confirmed pa lang to participate ay sina Gerald Anderson, Ronnie Alonte at Donny Pangilinan.

Nagtatakang usisa nila: nasaan na si Daniel Padilla?

Hindi ba’t sa original poster ay naroon ang aktor?

Dalawang posibilidad lang ang nalisip ng mga netizens: either tinanggal si Daniel o kusa na itong umatras.

Alinman daw kasi sa dahilan ay malinaw why Daniel won’t grace the annual sports event of ABS-CBN.

Reason: iwas-bashing na rin daw sa mga fans ng dating nobya ni Kathryn Bernardo.

Tiyak daw kasing mae-embarrass si Daniel pag na-boo na ito ng mga fans who’ll show up at the venue.

Bale ba, walang control si Daniel kapag mangyari ‘yon.

Maganda man daw o pangit ang performance niya sa mga games, Daniel still can’t get away with the spectators’ boos.

At tila nakisimpatya raw ang kaibigan ni Daniel na si Zanjoe Marudo na wala rin sa event.

Pero ang kay Zanjoe ay kauna-unawa lalo’t nakabantay ito sa asawang si Ria Atayde na balita ngang nagdadalantao. Ronnie Carrasco III