Home ENTERTAINMENT Bahay ng magulang ng Barretto sisters, nilooban!

Bahay ng magulang ng Barretto sisters, nilooban!

Manila, Philippines- Magkahalong galit at panlulumo ang naramdaman ni Claudine Barretto nang humarap sa press kaugnay ng pino-promote na latest movie.

Ikinuwento niya kasi ang panloloob sa bahay ng kanyang mga magulang sa Subic, Zambales.

Ang 88 anyos na si Mommy Inday ay sa Subic nakabase.

Bale ba, kaka-renovate lang daw ng kanilang tirahan doon kung saan ang ateng si Gretchen ang gumastos.

Maging ang mga mamahaling gamit daw doon ay ginastusan ni Gretchen.

Nalimas lahat ang mga ‘yon.

Nanawagan ang aktres sa SBMA dahil maging ang bahay ng manager niyang si Arnold Vegafria ay pinasok din ng mga magnanakaw.

Nasa Maynila raw si Claudine nang maganap ang insidente.

Pero ang mas labis daw na pinag-alala ni Claudine ay ang nangyari kay Mommy Inday.

Nag-shoot up kasi ang blood pressure nito nang napakataas at kinailangang isugod sa ER ng ospital doon.

Mula ER ay inilipat daw si Mommy Inday sa ICU: “I almost lost my mom!”

Dahil sa insidente, kinalampag ni Claudine ang mga kinauukulan para malutas ang kaso.

Nagkahabulan din kasi ang mga pulis at mga suspek. Ronnie Carrasco III