Home NATIONWIDE PH gagawing number 1 coconut exporter ni PBBM

PH gagawing number 1 coconut exporter ni PBBM

MANILA, Philipines – MASIGASIG si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gawing number 1 coconut exporter ang Pilipinas sa buong mundo.

Nakikita ng Pangulo na “great opportunity” para sa patuloy na paglago ng ekonomiya ng bansa.

Sa isang pagpupulong kasama ang Private Sector Advisory Council-Agriculture Sector Group (PSAC-ASG) sa Palasyo ng Malakanyang, nagpahayag ng buong suporta si Pangulong Marcos sa Philippine Coconut Authority (PCA) sa hangarin nito na makapagtanim ng 100 milyong puno ng niyog sa 2028.

Sinabi naman ni PSAC-ASG Member Christopher Po ng Century Pacific Group na nirerekomenda ng body na pabilisin ang paglulunsad ng malawakang coconut tree planting program sa pamamagitan ng itaas ang seednut production.

At para suportahan ito, nangako ang Chief Executive na titiyakin nito na sapat ang pondo na ibibigay sa PCA para maisagawa ang programa.

“This is really a great opportunity for the country. We have a chance to do it because [of] the market. Every single part of the nut [has] use and can be sold,” ayon kay Pangulo Marcos.

Ang Pilipinas ang itinuturing na “second biggest coconut exporting country” sa buong mundo kasunod ng Indonesia.

Sa kabilang dako, inirekomenda naman ng PSAC ang utilisasyon o paggamit ng contract farming kasama ang mga local salt farmers para magsuplay ng asin bilang fertilizer.

Sinasabing ang rekomendasyon ng PSAC ay ‘consistent’ sa Republic Act No. 11985 o Philippine Salt Industry Act, na nagsasaad na maaaring tukuyin ng local government units (LGUs) ang mga tamang lugar para sa local salt production.

“A P2.5-billion budget allows the fertilization of 55 million coconut trees and the doubling of local salt production, which could result in 25 percent increase in nut productivity and additional profit to farmers,” ayon sa PSAC.

Para sa taong 2024, layon ng PCA na muling magtanim ng 8.5 million coconut seedlings sa 59,744 ektarya ng lupain at lagyan ng pataba ang 2.8 milyong puno sa 28,341 ektarya.

Nais din ng PSAC na simulan na ng Department of the Interior and Local Government at LGUs ang pilot sa mga lugar para sa salt production.

Pinahihintulutan naman ng P2.5-billion budget ang fertilization o ang pagpapabunga sa 55 milyong puno ng niyog at doblehin ang local salt production, na maaaring magresulta ng 25% na pagtaas sa nut productivity at karagdagang kita para sa mga magsasaka.

Samantala, para naman ngayong taon ng 2024, layon ng PCA na muling magtanim ng 8.5 million coconut seedlings sa 59,744 ektarya ng lupain at i-fertilize ang 2.8 milyong puno sa 28,341 ektarya.

Nais pa rin ng PSAC na ang Department of the Interior and Local Government at LGUs ay magpa-pilot sa mga lugar para naman sa salt production.

Hiniling naman ng advisory body sa Department of Energy (DoE) na i-develop ang roadmap para sa unti-unting implementasyon ng Biodiesel Act, magtataas sa biodiesel mula mula B2 hanggang B59 sa mahigit na tatlong taon. Kris Jose