MANILA, Philippines – Naghahanda ang Department of Agriculture (DA) ng mga kailangang interbensyon para mabawasan ang epekto ng pananalanta ng armyworm sa mga taniman ng sibuyas sa bansa.
“Pest management activities like the provision of technical assistance, pheromone lures, biological control agents, biopesticides, and synthetic pesticides to control the pest are being implemented,” saad sa ulat ng DA-Bureau of Plant Industry (BPI) nitong Huwebes, Mayo 9.
Idinagdag pa na ang mga interbensyong ito ay isinasagawa sa koordinasyon ng local government units (LGUs) at DA field offices sa mga apektadong rehiyon.
Batay sa plant health and pest status report ng BPI, nasa 12,137.92 ektarya ng taniman ng sibuyas ang apektado ng armyworms.
Sa kabuuan, nasa 674.10 ektarya ang totally damaged, at 4,045.03 ektarya ang partially damaged.
Ang mga apektadong lugar ay matatagpuan sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, at Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan).
Iniulat sa Central Luzon ang may pinakamalaking lupain na apektado ng armyworm infestation na nasa 6,980.49 ektarya.
Sa kabila nito, tanging 18 ektarya lamang ang nagtamo ng total damage.
Naitala naman sa Cagayan Valley ang highest total losses na 612.40 ektarya na totally damaged, sinundan ng Ilocos Region sa 43.80 ektarya.
Samantala, ang Mimaropa ay nagtamo ng partial damage sa 871.60 ektarya, na nagamot na.
Umaasa ang DA na magiging stable ang suplay ng sibuyas kasunod ng magandang produksyon sa peak harvest season sa kabila ng armyworm infestation. RNT/JGC