Home NATIONWIDE Daphne Oseña Paez out bilang Malacañang Press Briefer

Daphne Oseña Paez out bilang Malacañang Press Briefer

MANILA, Philippines- Inanunsyo ni TV personality Daphne Oseña Paez sa social media na natapos na ang kanyang papel bilang Malacañang Press Briefer noong January 1, 2025. 

Sa kanyang post sa X, pinasalamatan ng dating Palace official si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagtatalaga sa kanya bilang Press Briefer at pagtitiwala sa kanya “with a front row seat to national-level governance and policy-making.”

“It was a true honour to communicate and contribute to the programs and policies of President BBM and the Cabinet. Maraming salamat,” wika ni Oseña Paez kalakip ang larawan niya at ng Pangulo noong December 2022 nang tanggapin siya ni Marcos Jr. sa kanyang opisina.

Kasunod ito ng pag-upo ni bagong Presidential Communications Secretary Jay Ruiz sa pwesto, kasama si PCO Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro.

Bilang Palace Press Officer, si Castro na ang magsasagawa ng press briefings sa mga miyembro ng Malacañang Press Corps, base kay Ruiz.

“The President can speak for himself. Tayo lamang po ay mag-eexplain, mag-eexpound kung ano ang direktiba, kung ano ang mensahe, pronouncement ng Palasyo,” ani Castro.

“At ang nais lamang po natin ay maiparating talaga ang mensahe, hindi lang sa media, kundi maipaabot sa tao. Ang katotohanan, the truth. Hindi mga intriga na walang ebedensya, o kaya mga kwentong nagpaplanta lang ng ebidensya. So iiwasan po natin. Sa katotohanan lamang po tayo.” RNT/SA