MANILA, Philippines- Patuloy ang pagbabantay at pagmamando ng mga tauhan ng Department of Transportation Special Action and Intelligence Committee for Transportation (DOTr-SAICT) sa mga commuter na sumasakay sa EDSA Busway sa Nepa Q-Mart Station, matapos manawagan ni Transportation Secretary Vince Dizon ng agarang solusyon upang mapabuti at guminhawa ang kalagayan ng mga sumasakay sa busway. Danny Querubin