Home NATIONWIDE DAR tiniyak na maghahanap ng lupain para sa Ati members

DAR tiniyak na maghahanap ng lupain para sa Ati members

MANILA, Philippines- Tiniyak ni Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III sa mga miyembro ng Boracay Ati Tribal Association na bibigyan sila ng lupa ng gobyerno, at sinabing paiiralin ng administrasyong Marcos ang “compassion” habang pinanghahawakan ang batas sa pagtugon sa isyu.

Sinabi ni Estrella na sa pamamagitan ng Executive Order No. 75, series 2019, hindi lamang isa hanggang tatlong ektarya ng lupa ang ibibigay ng DAR kundi “all assistance and support services” para sa Ati members.

Inihayag ito ng Agrarian Reform chief matapos mapag-alamang hindi akma ang Boracay Island para sa pagsasaka at walang basehan upang igawad ang Certificates of Land Ownership Award (CLOAs) sa Ati members.

“We treat people with compassion, but we must uphold the law relative to the issue of Ati in Boracay,” wika ni Estrella sa isang press conference sa distribusyon ng CLOAs sa Negros Occidental.

“The Bureau of Soils and Water Management under the Department of Agriculture declared the landholding not suitable for agriculture which should be exempted from DAR coverage under Republic Act 6657, or the Comprehensive Agrarian Reform Program,” pagbibigay-diin niya.

Gayundin, binanggit ni Estrella na napaso na ang period ng pag-iisyu ng notice of coverage of private lands noong June 30, 2014, nang ilabas ng DAR ang CLOAs sa ATI noong 2018.

Aniya, pinili ng 44 miyembro ng Boracay Ati Tribal Association ang subdivision na 1,282 square meter property para sa kanila, upang bawat isa ay magkaroon ng halos tig-30 square meters, na nangangahulugang hindi akma ang lupain para sa agrikultura.

“They cannot invoke Executive Order 75 here because it is not even a government-owned land since there is a legitimate claimant. EO 75 is a Malacanang order directing all government agencies to identify government land that could be distributed to qualified beneficiaries,” giit ng Agrarian Reform chief. RNT/SA