Home NATIONWIDE DOH nakapagbakuna ng 646K bagets vs tigdas

DOH nakapagbakuna ng 646K bagets vs tigdas

MANILA, Philippines- Inihayag ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules na nakapagbakuna na ito ng 646,000 bata laban sa tigdas sa buong bansa hanggang nitong Abril 10.

Katumbas ang bilang na ito ng 47 porsyento ng target ng pamahalaan na 1.3 milyon.

Sinabi ng DOH na sa kabuuang bilang, mahigit 91,000 ang 6 hanggang 23 months old; mahigit 205,000 ang dalawang taon at limang taon pababa; at mahigit 350,000 ang lima hanggang siyam na taong gulang.

Samantala, inihayag ng departamento na tatlong bata ang nakaranas ng adverse effects na lagnat at pagsusuka matapos mabakunahan.

Ipagpapatuloy ng DOH ang immunization campaign nito ngayong Miyerkules sa Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM).

“The BARMM Measles Outbreak Response Immunization (MORI) started April 1 and was implemented during the weekend. The MORI implementation stopped to celebrate Eid al-Fitr, April 10, and will resume operation today, April 11,” anang DOH. RNT/SA