Home ENTERTAINMENT Heart, tinawag na madam si Marian!

Heart, tinawag na madam si Marian!

Manila, Philippines – Ikinatuwa ng mga fans ni Marian Rivera ang ginawang pagbati sa kanya ng international fashion icon na si Heart Evangelista para sa bago nitong serye sa GMA 7, ang My Guardian Alien.

Nagsimula na ang naturang GMA Prime series na nagsilbi ngang comeback teleserye ni Marian makalipas ang limang taon.

Co-star ni Marian sa serye sina Gabby Concepcion, Raphael Landicho, Gabby Eigenmann, Max Collins, Kiray Celis at marami pang iba, mula sa direksyon ni Zig Dulay.

Marami ngang na-good vibes sa pag-congratulate ni Heart kay Marian sa pagbabalik nito sa primetime.

“It gives me so much pleasure to congratulate you, Madam Marian, because finally, after many, many years, you are back where you belong, on GMA Prime,” ang simulang pagbati ni Heart kay Marian sa naturang video message.

“From my heart to yours, congratulations, and welcome back, Queen of Primetime,” aniya pa.

O di ba, nabalik na talaga ang friendship nina Heart at Marian after nilang magkaayos.

At bongga ang message ng una sa hulil, dahil tinawag pa niyang madam at Primetime Queen si Marian, na sa totoo naman ay ito talaga ang title ng wifey ni Dingdong Dantes. Rommel Placente