MANILA, Philippines – Inilagay sa state of calamity ang Dasmariñas City sa Cavite kasunod ng pagtaas ng mga kaso ng dengue.
Naitala ang 928 kaso ngayong 2024, hanggang Nobyembre 6 o apat na beses na mas mataas sa 233 kaso na naitala sa kaparehong panahon noong 2023.
Ang deklarasyon ay batay sa Resolution No. 435-S-2024, na nagbibigay pagkakataon sa lokal na pamahalaan na magpatupad ng mga pamamaraan para labanan ang outbreak.
Iginiit ni Mayor Jenny Austria-Barzaga ang kahalagahan ng aksyon para mapigilan ang pagkalat ng sakit.
“It is of dire importance that necessary measures be taken to prevent further spread of the virus,” ayon kay Austria-Barzaga.
“All are advised to spread awareness and be informed about what Dengue is, and what we can do to avoid it,” dagdag pa niya. RNT/JGC