Home HEALTH Unang kaso ng bird flu infection sa bata, naitala sa California

Unang kaso ng bird flu infection sa bata, naitala sa California

UNITED STATES – Kinumpirma ng US health officials ang kauna-unahang kaso ng bird flu infection sa isang bata, sa Estados Unidos.

Ang bata ay mayroong mild systoms na ginagamot ng antiviral medication, at nagpapagaling na ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC).

Pumapasok sa daycare ang bata at nakatira sa Alameda County sa California.

Dahil dito ay umakyat na sa 55 ang bilang ng mga kaso ng bird flu ngayong taon, kabilang ang 29 sa California.

Karamihan sa mga nagpositibo ay mga farm workers.

Samantala, palaisipan naman kung paano nahawa ang isang lalaki sa Missouri na hindi nagtatrabaho sa farm at walang contact sa infected na hayop.

Naospital din kamakailan ang isang kabataan sa British Columbia dahil sa bird flu. RNT/JGC