Home NATIONWIDE Data breach sa LTFRB platform iniimbestigahan na

Data breach sa LTFRB platform iniimbestigahan na

1
0

MANILA, Philippines – Pansamantalang sinuspinde ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang electronic support system (LESS) nito matapos ang isang data breach.

Sa pahayag nitong Sabado, Setyembre 19, sinabi ng LTFRB na apektado ng data breach ang data environment ng LESS, digital platform at internal database nito para sa pagproseso ng online applications at mga transaksyon, at pagbibigay ng electronic support sa mga public utility vehicle operator at mga motorista.

Dahil dito ay nananatiling suspendido ang lahat ng LESS-related transactions at mga serbisyo bilang precautionary measures.

Inatasan din ng LTFRB ang lahat ng mga opisina at tauhan nito na huwag gamitin ang LESS hanggat walang abiso.

Nakikipagtulungan na ang ahensya sa Department of Information and Communications Technology, Cybercrime Investigation and Coordinating Center, at National Privacy Commission para maibalik ang system at masiguro ang mga datos.

Nagpapatuloy din ang technical validation upang matukoy kung anong mga datos ang nakompromiso at kung gaano kalawak ang naging breach.

Tinututukan ng LTFRB ang insidente ng may “utmost urgency” at ginagawa ang lahat ng kailangang hakbang.

“We sincerely apologize for the inconvenience and appreciate your patience and understanding,” ayon sa ahensya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here