Home METRO Dating amasona, sumurender sa pulisya

Dating amasona, sumurender sa pulisya

216
0

BATAAN, Philippines – Upang madama ang tunay na diwa ng Pasko at para sa tuluyang pagbabagong buhay at pagbabalik loob na mamuhay ng normal sa komunidad at makasama ang kanyang mahal sa buhay..

Boluntaryong sumurender sa pulisya ang isang babae na dating miyembro ng rebeldeng grupo sa Barangay Culis, Hermosa, Bataan.

Kinilala ang sumurender si alyas “Ka Mica”, 40 anyos, vegetable planter at dating kasapi ng Hukbong Bayan sa ilalim ng Lino Blas Command na nag-ooperate sa Bataan.

Kasamang isinuko nito ang isang improvised 12 gauge shotgun at isang granada.

Sa kanyang pagsurender, muling mararanasan nito ang normal na pamumuhay sa komunidad at matamasa ang mga karapatan at benepisyo mula sa pamahalaan bilang isang mamamayan na namumuhay ng normal sa komunidad. (ROEL TARAYAO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here