Manila, Philippines- Hindi lang pala si Coco Martin ang binitawan ng Kapamilya manager na si Biboy Arboleda kundi lahat, huh!
Walang ibinigay na mabigat na dahilan pero ayon kay Biboy, hindi na raw siya nagma-manage ng mga artista.
Kung ang paghihiwalay nila ng Primetime King na si Coco ang naging rason sa tuluyan niyang pagsuko bilang showbiz talent manager ay hindi na raw dapat pag-usapan, huh!
“I don’t manage artists na ha . Retired na ako . Salamasteh Splakatak.
“I love all of them, my alagas, and I will co tune supporting their projects like I will post in social media pero I don’t manage them anymore,” sey pa ni Sir Biboy.
Nakakausap pa rin naman daw ni Biboy ang mga alagas niya at maayos ang kanilang paghihiwslay bilang talent at manager, huh!
Ilan sa mga dating alaga ni Biboy bukod kay Coco ay sina Judy Ann Santos, Jodi Sta. Maria, Cherry Pie Picache, Roderick Paulate, Amy Perez, at Maricel Soriano, huh! Jimi Escala