Home METRO Dating traffic enforcer na bumili ng ulam patay sa nakasagutan

Dating traffic enforcer na bumili ng ulam patay sa nakasagutan

85
0

BATAAN- Hindi inakala ng isang dating enforcer na ang pagbili nito ng ulam ang magiging sanhi ng kanyang kamatayan matapos itong pinagtulungan saksakin ng mga suspek na nakasugatan nito, iniulat kahapon sa bayan ng Mariveles.

Dead-on-the-spot ang 52-anyos na biktimang hindi pinangalanan sanhi ng tama ng saksak at taga sa iba’t ibang parte ng katawan.

Batay sa report Mariveles Police station, naganap ang krimen labas lamang bahay ng biktima sa nasabing lugar.

Kwento ng anak, bago ang krimen may nakasagutan ang kanyang ama hanggang sa inabangan na ito paglabas ng kanilang bahay para bumili sana ng ulam.

Base sa kuha sa CCTV, makikitang hinawakan ng mga suspek ang biktima saka pinagtulungan saksakin at tagain sa iba’t ibang parte ng katawan na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang mga suspek subalit kalaunan ay nadakip ang isa sa mga ito.

Nagpapatuloy ang ginagawang follow-up investigation ng pulisya para alamin ang tunay na motibo sa krimen at pagdakip sa iba pang suspek na posibleng maharap sa kasong pagpatay. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here